Una sa Balita

Wala pang ebidensiya kontra Faeldon — Drilon

0 298

Wala pang nakukuhang ebidensiya ang Senado na mag-uugnay kay dating Bureau of Corrections (Bucor) chief Nicanor Faeldon sa bentahan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) para maagang makalaya ang mga preso.

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ang malinaw pa lamang ay nagkaroon ng kapabayaan sa trabaho si Faeldon kaya’t talamak ang bentahan ng GCTA at iba pang uri ng korapsyon sa New Bilibid Prison.

“Walang ebidensya na kasama siya, ngunit maliwanag na there is incompetence or negligence for having failed to catch this kind of anomaly happening under his very nose,” saad ni Drilon sa programa ni Cely Bueno sa DWIZ.

Ayon sa senador, talamak ang korapsyon sa NBP mula sa entrance fee hanggang sa bayaran ng kubol ng mga preso.

Sinabi naman ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na sa dami ng nakukuha nilang impormasyon hinggil sa korapsyon sa NBP, ang dapat umanong ipangalan dito ay National Business Prison.

Nanindigan pa ang dalawang senador na kailangang magkaroon ng top to bottom revamp sa BuCor upang mawalis ang mga tiwaling nagtatrabaho dito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy