Una sa Balita

Wala pa ring plaka, anong petsa na?

By
0 319

Noong panahon ng kampanyahan, busog na busog ang mga Pinoy sa mga pangakong pagbabago ng mga kandidato. Babaguhin daw ang ganire, ang ganito para sa kabutihan ng nakararami.

Palibhasa, alam ng mga linsyak na kandidato na gutom sa pagbabago ang mga Pinoy.

Kaya nga nang naka-puwesto na ang Administrasyong Duterte, marami ang natuwa at umasa – yung iba nga eh talagang nangarap – na darating na ang inaasam-asam na pagbabago.

Nangunguna na rito ang mga kababayan na­ting pumipila sa MRT, mga kasama nating mi­yembro ng taga-tanawan at tunganga brigade dahil sa trapik, at ang mga moto­rista na baka mabulok at maipa-kilo na lang ang sasakyan eh hindi pa rin masisilayan ang kanilang plaka.

Hanga po kami sa adhikain at pagkilos ng kasalukuyang timon sa Department of Transportation na si Secretary Arthur Tugade, at kay Land Transportation Office sa pamumuno ni Asec. Edgardo Galvante, para mapabilis ang pagkakaroon ng sariling plaka ng mga motorista na bumili ng bagong sasakyan.

Pero teka, teka lina­win lang po natin ha, tila ang ‘pagbabago’ na sinasabi nila ay ‘pagbabago’ lang ba ng mga kikita?

Sa nagdaang adminis­tration nabuo, ang sabi nila ay P3.6 billion ‘sweetheart deal’ para sa paggawa at pag-deliver ng mga plaka, na hanggang sa ngayon (puti na yata ang uwak), ay hindi pa rin naihahatid sa mga may-ari ng bagong sasakyan.

Ang kapitbahay ko nga gustong ibenta na ang sasakyan na nabili noong 2013, puro kamot-ulo na lang kapag nagtatanong, ‘Ser wala pa ba itong plaka?’

Sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, para tayong ‘Republika ng Walang Plaka’ kaya nga sinosolusyunan ang problema rito.

Pero taliwas ito sa ginagawa ng mga bata ni Mr. President. ‘Same dog, different collar’ lang ika nga sa Ingles ang nangyayari eh.

Kasi ayun sa aking source, nakikipagdayalogo, o ano pa man ang gusto mo itawag, sa ginagawa ni DOTr Sec. Tugade at LTO Asec. Galvez sa kumpanyang joint venture na Knie­riem BV Goes and Po­wer Plates Development Concept Inc. (JKG-PPI).

Sec. Tugade, Asec. Galvez, uulitin ko ha, mismong ang Commission on Audit (COA) ang nakakita ng ano­malya sa kontrata na iginawad sa Knieriem BV Goes and Power Plates Development Concept Inc. (JKG-PPI) noong 2013.

Sila ang dapat na magbibigay ng mga license plates mula 2013 hanggang July 2016.

Pero ano ba, Agosto 2018 na! Wala pa rin! Eh teka, paano naman ang mga nasa 2013 hanggang July 2016? Babay na lang? Sa aking kapitbahay, mukhang mabubulok na sasakyan mo hindi pa rin mabebenta iyan.

At ngayon, iniisip niyo na ituloy ang proyekto na sinabi ng COA na ma-anomalya? Itutuloy niyo pa rin? 

Tila hindi pinapansin nina Tugade at Galvante na maraming nilabag ang Knieriem BV Goes and Power Plates Development Concept Inc. (JKG-PPI).

 Buong tapang na inihayag ni Sec. tugade na kaya na ng pamahalaan na gumawa ng sariling mga plaka at nasa LTO compound sa Diliman. Kung ganu, eh bakit nakikipag-usap pa kayo sa JKG-PPI?