Una sa Balita

Wala nang trapik sa Jubilee Academy sa QC

0 324

Dear Abante:

Magandang araw po sa inyo. Muli po akong sumulat upang pasalamatan ang inyong nangungunang pahayagan dahil naaksiyunan na po ang reklamo naming sobrang trapik sa harap ng Jubilee Christian Academy sa Doña Hemady, 3rd St., New Manila, Quezon City.

Lagi po kasi akong dumadaan doon tuwing papasok ako mula Quezon City patungong Mandaluyong. Dati po, inaabot ako doon ng siyam-siyam lalo na ‘pag oras ng pasukan at labasan ng mga estudyante doon na halos lahat ay de-kotse.

Ngayon po ay maluwag na at may mga nakatalaga nang barangay police na nagmamantine na ng daloy ng trapiko at sumisita sa mga nakabalagbag na magagarang sasakyan na halos umookupa sa buong kalasada na dapat ay one lane lang para sunduin ang kani-kanilang mga estudyante.

Sana ay magpatuloy na ang ganiyang sistema sa harap ng academy para naman wala silang maperwisyong mga motorista na gaya nila ay nagmamadali ring pumasok sa kanilang trabaho. Maraming salamat po at mabuhhay kayo.
Rex Jimbo ng Kamuning, QC

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy