Una sa Balita

Wala nang mahihiling pa

0 292

Maganda ang pagbukas ng taong 2020 o Year of the Rat sa pamilya Barcenilla.

Ika nga “couldn’t ask for more”.

Ang ating kumpare at tukayo na si Grandmaster (GM) Rogelio ‘Banjo’ Barcenilla Jr., ang isa sa kakatawan sa PH chess team sa pagtulak ng 44th World Chess Olympiad sa Moscow, Russia Agosto 5-18.

Si Barcenilla na two-time (1989 and 1990) Asian Junior champion sa India at Dubai at 1991 bronze medallist sa World Juniors championship sa Romania ang nagkampeon sa 2019 Philippines National Chess Championship na tinampukang Battle of the Grandmasters na ginanap sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE), 2nd floor, No. 56 Mindanao Avenue, Project 6, Quezon City nitong Nobyembre 26.

Inorganisa ito ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa magiting na pamumuno ni Chairman/President Rep. Prospero ‘Butch’ Pichay Jr.

Habang ang kanilang anak naman nila Lilibeth Lee Barcenilla (Woman National Master (WNM) at dating Olympian member) na si Gabrielle ‘Gab’ Barcenilla ay abala na ngayon sa paggawa ng music video ng Mira.

May dalawang recording company at talent management kay Gabriel na naghihintay kung sakaling mag-decide siya na maipagpatuloy ang kanyang local recording career.

Buong pamilya ni Gab ay nasa Arizona, USA naka-base ngayon.
Binansagan na Spotify Streaming Prince ang Filipino-American na si Gabriel nang sumobra sa million ang mark sa streaming ng kanyang kantang Timeless at binigyan pa siya ng award na Best New Male Artist sa USA Mixed Tapes Music Awards na mas sikat sa Arizona, USA na AZMT Music Awards.

Sa hinaharap ay nakakatiyak tayo na si Gab ay magiging pamosong international artist at TV commercial model.

Naging matagumpay din ang pagdaraos nina Banjo at Lilibeth ng kanilang Chess Wizard Chess Academy na January Chess Wizard Open sa Chandler, Arizona nitong Enero 18.

Isa sa Pinoy na bumisita si Cyrus Ian Pascua na dating pambato ng University of the Philippines. Good luck and God bless Pamilya Barcenilla.
***
Ipinaalam ni Engineer Norberto De Jesus na sasambulat na ang Santa Maria Town Fiesta 2020 Chess Challenge sa Pebrero 2 na gaganapin sa Grace of Shekinah School Gymnasium sa Santa Maria, Bulacan.

Ang kambal na torneo na non-master at kiddies 14 years old and under categories na one-day event ay punong abala si Fiesta 2020 President Mr. Christopher C. Trajano.
***
Pangungunahan nina Tarlac City Chess Club president Arnold Soliman at sportsman Jesus Tayag sa pakikipagtulungan ni ABC president Hon. Winston Torres ang pagsasagawa ng Tarlac City Chess tournament sa Pebrero 29 Metro Town Mall sa Tarlac City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More