Una sa Balita

Wala nang ligtas sa ‘Pinas – Trillanes, Hontiveros

By
0 1,049

NABABAHALA ang da­lawang opposition senator sa kaligtasan sa bansa kasunod nang pagpatay kay Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili.

Ayon kina Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV at Senador Risa Hontiveros, lumilitaw na wala nang ligtas sa bansa dahil sa ginawang climate of killing and impunity ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Duterte’s culture of violence is upon us. No one is safe now,” saad ni Trillanes.

Iginiit pa ni Trillanes na taliwas sa pangako ni Duterte na palalakasin ang peace and order, naging murder capital sa Asya ang Pilipinas katulad anya ng ginawa nito sa Davao City nang siya pa ang alkalde ng lungsod.

Kasabay nito, nanawagan naman sina Trillanes at Hontiveros sa PNP na tiyaking iimbestigahan ang bawat anggulo at de­talye sa pagpatay kay Halili at tiyaking maibibigay ang hustisya sa biktima.

Ipinaalala naman ni Hontiveros na ang poli­tical assassinations tulad ng extrajudicial killing­s ay maituturing na atake sa demokrasya ng bansa.