Una sa Balita

Wala nang awatan sa Cha-cha

By
0 708

Wala nang atrasan ang pagsusulong ng Charter change (Cha-cha), ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Kaya naman hinimok ng lider ng Kamara ang 25-miyembro ng consultative committee (ConCom) na pinamumunuan ni retired Chief Justice Reynato Puno na ipagpatuloy lamang ang trabaho.

“We need to prepare for the future,” ani Alvarez.

Iginiit nito na hindi susuko ang mga lider ng Kongreso sa pagsisikap na maitulak ang Cha-cha kahit pa lumilitaw sa Pulse Asia survey na 64% ng mga Pinoy ay hindi pabor na baguhin ang 1987 Philippine Constitution.

Nauna nang iginiit ni Alvarez na itotodo ang information drive para maunawaan ng mga Pinoy ang kahalagahan ng pederalismo at gagawing pagbabago sa Saligang Batas.