Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Wala nang atrasan ‘yon’ Kathryn, Daniel pakakasal sa 2024

0 305

Napanood ko ang chikahan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, sa tatlong mahuhusay na direktor, na naging bahagi ng kanilang pagsikat.

Ang cute nga ng kuwentuhan ng KathNiel kina Cathy Garcia-Molina, Mae Cruz-Alviar, Olivia Lamasan.

Napag-usapan kasi sa kuwentuhan na `yon ang tungkol sa kasal. Sabi nga ng dalawa, dapat sa loob ng sampung taona y kasal na sila.

“’Yun din ang ultimatum ko, na ‘pag ‘di pa ako kinasal, Kathryn ‘pag ayaw mo pa, ayoko na!

“’Yun na ‘yung next chapter ng buhay namin. Dapat 10 years na rin naman kami, dapat kasal na ang pinag-uusapan.

“After that, you build a house together, build a family together,” sabi ni Daniel.

“’Yun kasi ang magsi-seal sa inyo,” sabi naman ni Kath.

Kung tutuusin, wala nang kulang sa dalawa, na natupad na ang mga pangarap nila, at kasal na lang talaga ang kulang sa kanila.

“Looking forward na rin ako doon. Kasi, ano pa ba ang kulang sa buhay ko? Eh, 27 na ako. What’s next sa amin?”

Masyado pa bang bata ang edad na 27 para magpakasal?

“Mabilis ang panahon. Ang bilis talaga.

“Noon naman, 16 at 17 years old pa lang kami, pinag-uusapan na namin ‘yan. Now, we’re here. What’s the plan after 3 or 2years?” hirit pa ni Daniel.

Ang bongga naman na inamin ni Kathryn na dapat ay noong 26 years old sila ikasal.

“Namo-move, eh. Dapat 26 talaga. Eh, ang bilis pala,” sabi ni Kath.

“Dapat 28, pero hindi pa pala ‘yun. So, 30 usapan natin. Hindi na mamo-move ‘yun!” sabi ni Daniel kay Kathryn.

Pero ayon kay Kathryn, dapat ay pareho na silang handa sa papasukin nilang buhay.

“Kailangan natin aralin ang buhay, kung paano,” sabi ni Kath.

“Basta ako ready na! Baka ikaw ang hindi pa ready!” sabi naman ni Daniel.

Well, kung 30 ang usapan nila, at 27 si Daniel ngayon, at 2 yeas pa ang hihintayin nila, nangangahulugan lang na sa 2024 pa talaga sila pakakasal, ha! Pero, sabi nga, ang bilis lang ng panahon, at malay natin, mas mapaaga ang kasal, di ba?

Bongga, di ba? Kaya naman ang dami na talagang nag-aabang sa serye nilang ‘2 Good 2 Be Together’. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.