Una sa Balita

Wala na, finish na! Liza, Enrique 2 taon na ang relasyon

By
0 782

Wala na! Finish na! Tinapos na ng LizQuen ang labanan bago pa man dumating ang Valentines!

Sila kasi ang guest sa Gandang Gabi Vice noong Linggo. So to start up, napagkuwentuhan nila nina Vice Ganda na nasubukan pala ni Liza Soberano ang mag-welding sa Pangasinan. Kumuha siya ng kursong welding at talaga nga namang namangha sa kanya si Vice.

At isa pang nakagugulat din na fact tungkol kay Liza ay nag-electrical course rin ang aktres! Hindi karaniwang ginagawa at interest ng babae pero si Liza bilang isa sa Dyosa ng Pilipinas ay ginagawa ang mga bagay na ‘yon, kaya nakakaloka!

Habang si Enrique Gil naman ay napupusuan daw talaga ang maging Marine Biologist, kung mabibigyan ng pagkakataong mag-aral ulit. Ayaw raw m­aging doktor ni Quen dahil takot siya sa dugo.

Gumawa rin sila ng prank na nasa jeep sila at pinagtripan ang mga pasahero, kung saan laking gulat ng mga biktima na katabi pala nila ang LizQuen sa jeep!

So down to the last part, ang truth or lie challenge na sa aparato nga ang basehan kung nagsisinunga­ling o hindi.

Nag-umpisa ngang uminit sa upuan ang mga audience nang tanungin ni Quen si Liza habang nakasalang sa aparato na: “Tingin mo ba tayo na forever?” at wala naman pag-alinlangan na sumagot si Liza na “Oo”, na mas lalong nagpakilig sa mga fan dahil hindi nakuryente si Liza.

Muling hinamon ni Vice ang dalawa na sumalang pa sa aparato at hindi naman tumanggi ang LizQuen.

Nauna ulit si Quen at tinanong ni Vice “Kayo na ba?” at agad ding sumagot si Quen na “oo” kaya naman hindi na sinalang pa ni Vice ang daliri ni Quen sa aparato dahil kumbinsido at satisfied na si Vice sa sagot ni Quen dahil nagmula na sa bibig ni Enrique Gil na in a relationship na nga sila ni Liza!

Pero, humirit pa ng last question si Vice at sinabi kay Liza na sumalang sa aparato na hindi nakatanggi si Liza. Tinanong ni Vice kung gaano na katagal ang relasyon ng dalawa, paglinaw pa sa tanong kung higit dalawang taon na ba ang relasyon nila at talaga nga namang walang pagdadalawang isip, oo rin ang sagot ni Liza!

So kaya nga finish na dahil kumpirmadong magdyowa na sina Liza Soberano at Enrique Gil for more than two years na! Bongga! Aba, talagang todo hiyawan at nagtalunan ang mga fan sa GGV.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy