Una sa Balita

Wala kaming tinatago sa drug war ­— Panelo

0 458

Tiwala ang Malacañang na hindi gagawin ni Vice President Leni Robredo ang pagbibigay ng sensitibong impormasyon sa drug war sa dayuhang bansa,

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson­ Salvador Panelo matapos magbabala si Pa­ngulong Rodrigo Duterte noong Biyernes na posibleng masipa si Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs kung ibabahagi nito sa ibang bansa ang state secret sa drug war.

“I am sure the VP, being a lawyer, is aware of that. I don’t think she would do that unless she proves us wrong,” wika ni Panelo sa interview ng DZIQ.

Nauna rito ay naki­pagpulong ang bise presidente sa mga opis­yal ng United States Embassy at United Nations Office on Drugs and Crime upang pag-usapan ang problema ng bansa sa iligal na droga.

“Merong predicate si Presidente kaya niya sinabi ‘yun. Unang-una, she wanted access to all documents including­ classified info. Hindi kasama ‘yun sa scope ng kanyang authority.­ Merong bagay-bagay, even us members of the Cabinet are not allowed to look into, kasi mga classified nga eh. Ang puwede lang diyan gaya NICA (National Intelligence Coordinating Agency) director, Secretary of National Defense, security sila eh. Pero kami, hindi kami dapat pumapasok doon,” paliwanag pa niya.

Itinanggi din ni Pane­lo na may itinatago silang detalye sa drug war.

“Marami namang information na puwede siya. Pero hindi yung classified. ‘Pag sinabi mong classified talagang tiinatago ‘yun sa mga hindi dapat nakakaalam. For your eyes only dun sa mga taong dapat may hawak like the NICA director, the President of the Philippines, at ‘yung Secretary of National Defense, puwede rin ‘yung PNP chief,” paliwanag pa niya. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy