Una sa Balita

‘Wala kaming relasyon ni Luis!’ – Alex

By
Alex Gonzaga at Luis Manzano
0 109

Ang sarap panoorin, pakinggan ng asaran nina Alex Gonzaga at Luis Manzano. Walang pikunan. Talo ka kapag napikon ka.

Kita nyo naman HK na HK ang background, chinese nakasulat sa truck. Achieved!!

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

Umaabot nga ang dalawa sa asaran na pati ang itsura nila, ginagawang katatawa­nan. Mas madalas talo si Alex­, dahil mas maraming alam na pambuwisit si Luis.

Pero off camera (ng cellphone nila), lakas maka-good vibes, at lakas ng chemistry nilang dalawa. Kung noon, parang si Toni Gonzaga ang bagay na ka-partner ni Luis­, ngayon ay si Alex­ na, dahil mas natural ang asaran, buwisitan nilang dalawa.

At recently nga ay nag-tandem silang mag-host ng isang ma­laking Christmas event.

“Matagal-tagal na akong naghu-host, pero ito na siguro ang biggest challenge ng buhay ko. Biggest challenge ng hosting career ko dahil ang co-host ko ay si Alex Gonzaga,” sabi ni Luis, sabay focus sa mukha ni Alex na pangiti-ngiti.Pero, ibang-iba naman ang hirit ni Alex­. Na hindi mo alam kung saan nanggaling ang chika niya.

“Sa lahat ng mga nag-iisip diyan, wala po kaming relasyon. This is just work,” sabi ni Alex.
Oh, ‘di ba? Sa simpleng hirit na ‘yon ni Alex, matatawa ka na lang sa kanila ni Luis.

Pero, para pagselo­san ni Jessy Mendiola­ si Alex, ehem-ehem naman. May dyowa rin si Alex, na guwapo rin, ha!