Una sa Balita

Wala akong topak, henyo ako – Trump

0 1,170

Tinawag ni US Pre­sident Donald Trump ang kanyang sarili na henyo matapos lumabas ang isang libro na nagsasabing maaa­ring may problema siya sa kanyang mental health.

“I went from VERY successful businessman, to top T.V. Star to the President of the United States (on my first try). I think that would qualify as not smart, but genius…and a very stable genius at that!” ayon sa tweet ni Trump.

Sagot ito ng Pa­ngulo sa paglabas ng kontrobersiyal na libro ni Michael Wolff na pinamagatang, “Fire and Fury: Inside the Trump White House” na nagsasabing may topak si Trump.

Ayon kay Trump, walang katotohanan ang sinabi ni Wolff sa libro na nakausap siya nito nang matagal, bagkus ay saglit lang umano ang na­ging panayam nito.

Binanggit din ni Trump na puno ng kasinungalingan ang libro, kasabay ng pagsasabing marapat lang na paigtingin ang batas laban sa libelo.

Ibinase ni Wolff ang nilalaman ng kanyang libro sa tinatayang 200 interviews sa mga tao sa loob ng White House, kabilang na ang Pangulo.