Una sa Balita

Wala akong sakit sa kidney — Duterte

0 324

MARIING itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kumakalat na balita na siya ay may sakit sa kidney dahil sa pangingitim ng kanyang mukha.

“Sabi nila ‘yung mga tao daw may sakit sa kidney, umiitim daw. ‘Ah si Duterte, mamamatay na ‘yan. Talagang mamamatay ako. Walang problema ‘yan. Ang tao, mamamatay talaga. Kailan It’s only God,” ayon kay Duterte.

Ayon kay Pangulong Duterte, wala namang mortal na makakatakas sa kamatayan.

Una nang sinabi ni Duterte na nakakaranas siya ng muscle spasms, chronic back pains, at migraines.

Gayundin, sinabi ni Duterte na siya ay may myasthenia gravis, isang chronic autoimmune neuromuscular disease na nagpapahina sa kanyang skeletal muscles na responsable sa pag­hinga at paggalaw ng ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ang iba pa umano niyang sakit ay ang Barrett’s esophagus, isang seryosong kumplikasyon ng gastroesophageal reflux di­sease, Buerger’s disease, isang ‘di pangkaraniwang sakit sa arteries at veins sa braso at binti.

Sinabi pa ni Duterte na ang bukol na natagpuan sa kanyang digestive tract ay negatibo naman sa cancer noong Oktubre 2018.

Gayunman, sa kabila ng iniiindang karamdaman, sinabi ni Duterte sa publiko na magagampanan pa niya ang kanyang tungkulin bilang Pa­ngulo ng bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More