Una sa Balita

‘Wala akong nabuntis!’ – Vitto

By
0 3,838

Natawa lang si Vitto Marquez habang itinatanggi niya na isa siya sa dalawang miyembro ng Hashtags na na-blind item na nakabuntis. One thing is sure nga raw, hindi siya ‘yun!

“Wala akong nabuntis!” sabi niya.

Kung bakit pinadudahan siya? Eh, kasi nga may lahing Marquez siya na kilala sa showbiz na matinik sa babae. At bukod dun, guwapo siya’t mukhang habulin din.

Pero, ayon kay Vitto, hindi porke’t may image noon na ganun ang kanyang amang si Joey Marquez, hindi ibig sabihin ay pareho na sila. Mas matino naman daw siya sa kanyang tatay, pagbibiro pa niya.

Aware raw siya na may kumakalat na ganung kuwento, ngunit wala raw siya sa posisyon para i-confirm ito o sa kanya magsimula ang anumang kuwento. Kumbaga, he’s playing it by ear nga raw dahil maging siya ay hindi siya sure.

Anyway, nilinaw din niya na hindi siya umalis sa Hashtags ngayong miyembro siya ng #FBOIS ng Viva Entertainment Inc.

The truth is, siya pa nga raw ang nagpaalam sa Viva na gusto niyang mag-audition sa Hashtags na nakalusot naman, pero walang conflict sa grupo ng FBOIS na kinabibila­ngan nina Julian Trono, Andrew Muhlach, Jack Reid at Dan Huschka.

Nabuo naman daw yun dahil sa movie na Squad Goals kung saan may kanya-kanya significant roles na sa summer pa ipapalabas. Kaya, parang ang datingan raw nito ay tropa-tropa lang.

Thankful nga raw siya sa Viva execs na in-allow siyang maging miyembro pa rin ng Hashtags sa kabila ng grupo nila na ang Viva rin ang bumuo dahil kung iba-iba diyan, baka binigyan siya ng option, devah?

Piolo, Shaina feeling winner sa Berlinale Int’l Filmfest

Bukas (Sabado) ay malalaman na ang kapalaran ng pelikulang prinodyus ni Piolo Pascual at dinirek ni Lav Diaz sa 68th Berlinale International Film Festival. Mananalo ba ang pelikulang Panahon ng Halimaw o mabo­bokya tayo?

Ipinagmamalaki ito ni Papa P. dahil sa world premiere night ng Berlin Filmfest kung saan rumampa siya with Shaina Magdayao, Pinky Amador ay marami ang naka-appreciate sa movie nila tungkol sa isang love story na nangyari sa panahon ng Martial Law.

Dahil nga raw sensitibo ang plot nito ay pinili nila na sa Malaysia ito i-shoot para hindi sila magkaaberya. Positibo ang buong cast na mapapansin ito lalo na at si Lav ang nagdirek na kinikilala na rin ang husay matapos maparangalan ang pelikula nito na Hele Sa Hiwagang Hapis sa parehong filmfest noong 2016. Wagi ang movie na ito ng Silver Bear Award.

Ma-duplicate kaya o mahigitan pa ng Panahon Ng Halimaw ang parangal na ito?

Abangan natin bukas, noh!