Una sa Balita

Wakasan na ang pagmamalabis ng mga negosyante

0 439

Sa tuwing magkakaroon ng kalamidad sa ating bansa ay nakabuntot dito ang alegasyon ng pagsasamantala ng ilang negosyante.

Ang pinakahuli ay ang pagsasamantala sa pamamagitan ng pagtataas sa presyo ng N95 face mask na siyang gamit sa matinding ash fall kaugnay ng pagputok ng Bulkang Taal.

Paulit-ulit na lang ang ganitong eksena na may nagsasamantala sa situwasyon.

Panahon na upang wakasan ang pagsasamantala ng ilang negos­yante na tiyakin na sila ay mapaparusahan.

Sa mga nakaraang kalamidad sa bansa ay marami na rin ang nahuli sa isyu ng profiteering o sobrang pagtubo pero matapos nito ay wala na tayong nababalitaan kung talaga bang naparusahan ay nakulong ang mga ito.

Dapat ay sampolan na ngayon ang mga negos­yante na nagsamantala pa sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal at tiyakin na hindi na sila makapagnene­gosyo ay maipataw ang pinakamabigat na parusa.

Kailangang ipaalam sa lahat kung saan umabot ang kaso ay humantong sa pagkakakulong ang umabusong negosyante.

Kapag nalantad sa publiko na totoong may naparusahan na umabusong negosyante ay asahan natin na matitigil na ang anumang pag-abuso sa anumang darating na kalamidad sa bansa.

At sana ay maami­yendahan pa ang batas sa mga abusadong negosyante ay mapabigat pa ang parusa sa mga negosyanteng nambibiktima sa mga biktima ng kalamidad.

Sa mga netizens online sa social media na nais sumubaybay kay Media Man Ely ay puwede po kayong mag-like, share, follow, subs­cribe, o magbigay ng inyong mga komento sa mga sumusunod na social media platforms:
sa Facebook:

https://www.facebook.com/mediamanely/
sa Youtube: Media man Ely
sa Instagram:
https://www.instagram.com/mediamanely/
sa Twitter:

o sa e-mail address na: mediamanely@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More