Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Waitress sa Fil-Am family na binastos ng kelot: Mahal ko kayo

0 319

sdc

Inalayan na ng tatlong GoFundMe page ang waitress na pumagitna at pinaalis ang lalaking nagbitaw ng mga racist remark sa isang Filipino-American family noong US Independence Day.

Sa Instagram post ni Jordan Liz Chan, kumakanta lang daw sila ng “happy birthday” sa kanilang tiyahin na si Maria Orosa sa Bernardus Lodge and Spa’s Lucia Restaurant sa Carmel Valley, California nang magsisisigaw si Michael Lofthouse, isang CEO sa cloud computing firm na Solid8.

Pinagmumura ni Lofthouse ang pamilyang Fil-Am at pinababalik sa “whatever f—— Asian country you’re from” kasi aniya “you don’t belong here.”

Pero, makikita ang pagtindig ni Gennica Cochran na kahit pa hindi siya ang nagsisilbi sa pamilya Fil-Am ay tinaboy si Lofthouse.

“Most of these people, this is the first time that they’ve been out to dinner and then you have someone attacking them it was just no, no, I don’t have time for this,” ani Cochran sa KGO-TV.

Lagi aniya siyang titindig para sa mga inaapi ng mga racist, at hinikayat niya rin ang madla na ganoon ang gawin.

“I love you [Fil-Am family]. I’ve got your back always. I will always speak up for you, and please come back to Bernardus, I’d love to buy you a drink,” wika ni Cochron sa ulat.

“To have someone hate you just because of the way that you look, that’s beyond me. I don’t understand it.”

“If you see something do something. Stand up against racism and hatred in any form any time you can,” aniya pa.

Hindi rin aniya siya kumbinsido sa nilabas na apology statement ni Lofthouse.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.