Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wais si Lee – coach

0 111

Clark Smart Giga City – Si Paul Lee ang veteran leader ng Magnolia Hotshots.

Siya ang inaasahan ni coach Chito Victolero na mamuno sa loob, bagay na mainam na nagagampanan ng Angas ng Tundo.

“’Yung mental toughness niya, pinakamataas na siguro sa PBA,” anang coach. “He’s our leader. Maybe he cannot score in double digits, okay kami du’n as long as ‘yung leadership niya andu’n.”

Ang combo guard ang namumuno sa scoring ng Hotshots, nagbibigay ng average na 18 points bawat laro sa anim na salang.

Kung hindi umiiskor, creator at facilitator naman sa mga kakampi ang 31-year-old. Kabisado na niya ang papel.

“Magnolia naman, hindi one-man team. Alam ni Paul ‘yun na he needs to involve everybody at both ends of the floor,” dagdag ni Victolero.

Kumana si Lee ng 15 points nang itumba ng Magnolia ang Ginebra 102-92 noong Linggo para iangat sa 2-4 ang kartada sa Philippine Cup.

Umaasa si Victolero na sa bounce-back win na ‘yun ay magtutuloy ang magandang resulta umpisa mamaya sa pakikihamok sa 2-3 Blackwater sa Smart 5G-powered AUF gym mamaya. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.