Una sa Balita

Wagi ang mga taga-Maynila kay Isko

0 388

Panalong-panalo ang mga taga-Maynila sa mga pagbabagong nangyayari sa lungsod.

Pero alam ninyo bang hindi lang mga Manilenyo ang natutuwa sa mga pagbabagong nangyayari ngayon sa Maynila kundi maging ang mga dumadayo sa lungsod.

Paano ba naman ay napakalinis na sa buong Maynila. Ang mga lugar na dating kinakatakutan ay sobra nang kinahuhumalingan ngayon.

Paano ba naman ay sobra nang ligtas at linis.

Kaya ang tanong natin kung kinaya ni Mayor Isko Moreno sa maiksing panahon na malinis ang lungsod aba’y dapat din itong kayanin ng iba pang local government official.

Aba’y napakasarap sigurong mamuhay sa bawat komunidad kung katulad ni Mayor Isko na may political will ang ating mga lider.

***

Mukhang tapos na ang bagyo sa loob ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Related Posts

Mismong si PSC Chairman William Ramirez ang nagsabi nitong nakaraang Biyernes na nagkakaisa ang PSC, PHISGOC at POC sa mga preparasyon para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa ngayong Nobyembre.

“The PSC, PHISGOC and POC are united in one leadership of the President of the Republic, to host and participate in the 30th Southeast Asian Games,” sabi ni Ramirez. Pinasinungalingan din ni Ramirez na may nangyayaring korapsyon sa pangangasiwa ng PHISGOC sa SEA Games: “There is no truth to the allegation of corruption.”

Ang statement na ito ni Ramirez ay bilang sagot sa mga naglabasang paninira sa PHISGOC na kesyo bubuwagin na raw ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa iba’t ibang isyu ng korapsyon. Pumasok daw sa mga kaduda-dudang transaksyon ang PHISGOC tulad ng pagbili ng mga overpriced training uniforms sa sports apparel company na Asics. Mismong si Ramirez ang nagsabing safe ang inilabas na bilyon-bilyong pondo ng gobyerno para sa naturang international event at ginagabayan sila ng Department of Budget Management at Procurement Service sa mga kinakailangang gastusin.

Kung anuman ang mga kuskos-balungos na lumutang sa mga nagdaang araw ay mukhang inayos na sa paghaharap nina Ramirez at PHISGOC Chairman Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano kung saan kasama pa si Sen. Bong Go at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Magandang kaganapan ito dahil nalalapit na ang SEA Games at maraming mata ang nakatutok sa preparasyon ng Pilipinas na siyang host ngayong taon.

Tiniyak din ni Ramirez sa lahat partikular sa mga atletang Pinoy na makikilahok sa SEA Games ang buong kooperasyon ng PSC, POC at PHISGOC.

Kung totoong hupa na apoy at wala nang bagyo, makikita naman natin ito sa mga susunod pang araw. Sana nga ay magkaisa na ang lahat ng kinauukulan dahil Pilipinas ang talo kung patuloy na mananaig ang mga personal na isyu ng bawat sangkot na personalidad at asosasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy