Una sa Balita

‘Wag yurakan ang SBMA — Atty. Eisma

By
0 112

Sa halip na ipagpatuloy ang magandang nasimulan ng mga freeport workers at volunteers sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ay nasisira na umano ang imahe nito dahil sa mga alegasyon ng korapsyon ni chairman Martin Diño.

Ayon kay SBMA administrator Atty. Wilma Eisma, maraming mga tiwaling tao ang ginagawang port of entry ang Subic subalit kanila itong naaagapan gaya na lamang ng 800 toneladang asukal mula Thailand na hindi nakadaong sa Subic matapos makara­ting sa kanilang kaalaman at kaagad na inalerto ang Bureau of Customs (BOC) at Sugar Regulatory Board para sa karagdagang checklist of requirements ng paparating na shipment.

Sa mga ganitong sitwasyon ay dapat mas maging mahigpit pa ang SBMA katuwang ang (BOC) upang malabanan at masugpo ang korapsyon at smuggling alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Eisma.

“I could understand where Chairman Diño is coming from because he is the chairman of the Volunteers Against Crime and Corruption. But that is not the reason why he is here in Subic. He forgets that he is also SBMA chairman.” dagdag pa ni Eisma. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy