Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Wag pahirapan ang mga Pinoy

0 15

“Life is really simple, but we insist on making it complicated. – Confucius

Noong una, di ko na nga alam ang pagkakaiba ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa General Community Quarantine (GCQ) with Heightened Restrictions o ang Modified enhanced community quarantine (MECQ) sa General community quarantine (GCQ) with some restrictions. 

Ang simpleng pagkakaunawa ng marami – paghihigpit sa biyahe ng tao, pagtatayo ng mga checkpoint at APOR o Authorized Person Outside of Residence lang ang papayagan na maglabas pasok sa ‘bubble’.

Isa pa, kapag ‘enhanced’ may AYUDA na tig-p1,000 bawat isa at kapag ‘general’ WALA!!! 

At sa September 16, naglabas ng panibagong guidelines ang Inter Agency Task Force against Covid19 (IATF) – granular lockdown naman ang tawag ay may kasama pang mga Alert Level 1-5. 

Layunin ng bagong classification framework ang balansehin ang ekonomiya at kalusugan ng mga residente.

May limang alert levels na nakabase sa tatlong C’s (Closed, Crowded at Closed Contact).

ALERT LEVEL 1 – mababa ang hawahan at hindi puno ang mga ospital. Lahat ng establisimyento ay bukas kabilang ang face-to-face classes.

ALERT LEVEL 2 – mababa ang hawahan pero tumataas ang hospital bed at ICU utilization. 

Dito, 50% capacity ang papayagan sa mga establisimyento, pati sa face-to-face classes.

ALERT LEVEL 3 – kapag lumala pa ang ALERT LEVEL 2. 

30% lang ang papayagan pati sa mga opisina ng gobyerno. Parang GCQ with heightened restrictions lang.

ALERT LEVEL 4 – bawal lumabas ang mga below 18 yrs old at 60 yrs old pataas. Pati ang mga may comorbidities. Papayagan ang Al Fresco dining, barbershop, SPA, beauty Salon, pero 30% capacity lang.

ALERT LEVEL 5 – katumbas ng guidelines ng ECQ.

Sa pagpapatupad ng granular lockdown ay hindi nakadepende sa Alert Level System na umiiral sa lugar at dito na tayo magkakalituhan sa implementasyon.

Marami nang iniisip ang mamayang pilipino – ang mga nawalan ng trabaho, mga naghahanap ng trabaho, mga namatayan dahil sa covid19 at mga may mahal sa buhay na lumalaban sa virus.

Pakiusap naman sa IATF, gawin ninyo namang simple ang buhay ng mga Pilipino. Salamat.

Walang Personalan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.