Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Wag niyo ko husgahan’ Maja inilantad ang baby nila ni Rambo

0 236

Alang-alang sa ‘views’, kanya-kanyang gimik talaga ang mga artista sa kanilang mga YouTube channel. May iba na pina-prank ang mga partner nila, pinalalabas na magkaaway sila, para mas makahakot ng mga manonood.

May iba na kung ano-anong rebelasyon ang nilalabas para lang maka-attract talaga ng mga viewers.

Sa kaso ni Maja, sa episode niyang ‘May Baby bag??? (What’s in my bags?), sa teaser ay tila pinalabas niya na nabuntis siya dahil panay ang hawak niya sa kanyang tiyan.

“Meron akong secret guys. Don’t judge me. Bilang may anak na, kailangan may bitbit kang diaper. Kaya pag nagta-travel ako, ang mga maleta ko, niloloko nila ako, pang isang buwan daw ba ako.

“May isang bag, bilang may anak na, dapat lagi kang may bitbit na diaper, suklay, cologne, mga gamit ito ng anak ko guys,” sabi ni Maja, kasabay ang pagpakita ng photo na kanyang ‘baby’ na karga niya.

Ipinakita pa ni Maja ang pagkain ng ‘baby’ niya, at mga laruan. At meron pang ‘wee-wee pads’, ha!

Yes, dog nga ang baby na sinasabi ni Maja na tinawag niyang Duke (na may Instagram na @duke_barks), na anak nga raw nila ni Rambo Nunez. Paandar lang ni Maja `yon sa teaser para mas maengganyo ang mga viewer, na mukhang wagi naman dahil ilang oras pa lang ay umabot na sa 288,000 ang nanood.

Anyway, game na game si Maja sa mga hamon ng mga follower niya. Humihingi siya ng challenge mula sa kanyang mga fan.

Well… (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.