Una sa Balita

‘Wag nang paligoy-ligoy sa isyu ng WPS

By
0 508

Didiretsahin na ang mga Pinoy sa pa­nanakop ng China sa ating isla. Huwag nang magkubli sa kung ano-anong mga rason ang Duterte administration hinggil sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).

Alam naman ng lahat na bawat administras­yon ay may sariling bersyon at diskarte ng foreign policy at iba pang patakaran sa mga masasalimuot na isyu.

Sa ngayon ay marami ang nanggigigil sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung bakit tila nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan sa ginagawa ng China sa WPS.

Ang isa sa puwdeng gawin na lang ng DFA ay maghain ng diplomatic protest laban sa China pero ayaw ito gawin ng ating gobyerno at kung ano-ano pa ang katuwiran na inilalabas dito ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Makakabuting diretsahin na ng Malacañang ang publiko na hindi ito kikilos kahit anong gawin ng China dahil ayaw nila itong sitahin at pagtaasan man lang ng boses at baka ma­galit ang mga ito at masira ang pagkakaibigan umano.

Mauunawaan naman ng mga Filipino kung ano ang gustong Foreign policy ng Duterte administration. At higit sa lahat ay maaari naman nitong panagutan kung sakaling mapasama at madehado ang Pilipinas sa isyung ito.

Kung matapos ang termino ng administras­yong Duterte ay maaa­ring singilin at kung may pagkakasala ay maaaring maipakulong ang Pangulo kasama si Cayetano at iba pang opisyal depende sa takbo ng kaso.

Kaya naman mas makakabuting hayaan na lang natin ang diskarte ng Duterte admi­nistration at maghintay na lang tayo na mawala sila sa poder at matapos ang termino.

Kahit anong kuwestiyon at batikos ang gawin sa pananahimik ng Duterte administration sa ginagawa ng China ay wala tayong magagawa kundi hintayin ang magiging resulta nito at kung totoo ba ang pangako na mas makikinabang ang mga Filipino kung hahayaan na ang WPS sa China.

Nakakainggit lang dahil ang isang maliit na bansa tulad ng Vietnam ay may malakas na boses upang tuligsain at sitahin ang China kabaliktaran ito ng Pilipinas.