Una sa Balita

‘Wag munang mamasyal sa Manila Bay — DENR

By
0 717

Sinimulan ng bakbakin kahapon ang bahagi ng baywalk sa Roxas Boulevard para sa pagpapatuloy ng rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ito ay para mas maluwag na makapasok ang mga heavy equipment na gagamitin sa rehabilitayon ng baybayin.

Pinutol din ang bahagi ng inuupuan ng mga namamas­yal sa baywalk para magkasya ang mga papasok na equipment patungong seawall.

Nanawagan naman ang Department of Environment­ and Natural Resources (DENR) sa publiko na huwag munang mamasyal sa baybayin kapag puspusan na ang paglilinis dito.

Ayon kay DENR Secretary­ Roy Cimatu, tiyak na hindi maganda ang amoy sa pali­gid sa gagawing dredging o desilting ng mga basura sa Manila Bay.

Sinabi naman ng Depart ment of Public Works and Highways (DPWH)) na apat na heavy equipment na ang nakapuwesto sa bahagi ng US Embassy.

Samantala, ipinagbaba­wal muna ang pagbibisikleta malapit sa breakwater dahil may mga nakapuwesto na ritong mga heavy equipment.

Maari namang magamit ng mga biker ang bike lane malapit sa mga tanim na ha­laman sa Roxas Blvd.

Noong Sabado, nagsagawa­ ng dry run ang DPWH at DENR at ilang trak ng basura ang kanilang nahakot sa dagat kabilang ang mga gulong ng sasakyan.

Ayon sa DENR, opisyal nang sisimulan ang malawa­kang desilting sa dagat na sumasakop sa 1.5 kilometro mula US embassy hanggang Manila Yacht Club. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy