Una sa Balita

‘Wag matigas ang ulo!

0 374

MGA ka-Abante kamusta na kayo?

Sana ay nasa mabuti kayong kalagayahan!

Heto na nga mga ka-Abante, habang lumilipas ang araw ay pataas nang pataas ang bilang ng mga positibo sa COVID-19.

Apektado na rin nga maging ang mundo ng sports.

Tigil muna ang mga paborito nating liga sa loob at labas ng ating bansa.
Wala muna tayong mga live game na mapapanood, kaya magtiyaga muna tayo sa mga replay!

Sa NBA nga ay may tatlong player na ang positibo, sina Gobert, Mitchell at Wood.

Nakakagulat hindi ba?

Dahil ang mga atleta ay kilala na malalakas ang resistensya at may disiplina sa katawan.

Kaya nga lang ay walang pinipili itong COVID-19 kaya naman tayo’y dapat na maging mas maingat sa ating bawat kilos. Maging masunurin sa ipinag-uutos at huwag maging matigas ang ulo.

Mga ka-Abante, huwag natin kalimutan na manalig at maniwala sa kayang gawin ng Diyos sa ating mga buhay.

Tulad nga ng mga paalala ng ating mga PBA idol, ugaliin natin ang magdasal at pangimbabawin natin ang pagtitiwala kaysa sa takot.

Tingnan natin ito nang may positibong pag-iisip, isa itong sitwasyon kung saan mas mapapalalim natin ang ating relasyon hindi lang sa ating pamilya kung hindi lalo na sa Diyos.

Samantalahin natin ang oras na ito para mas alagaan ang ating sarili at ang ating mga mahal sa buhay.

Sa pagkakaroon ng enhanced community quarantine, maaari nating isipin na makakahinga rin kahit papaano ang ating mundo sa gulo at polusyon na kanyang araw-araw na kinakaharap. Kaya tiwala lang at dasal mga ka-Abante.
Patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan, Martes, 6pm at Madam Guro, 1pm tuwing Sabado.

Salamat po. God bless!

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More