Una sa Balita

‘Wag makulit, bawal praktis – Kume Marcial

0 363

PINALAWIG pa ni PBA commissioner Willie Marcial ang suspension ng team practices dahil sa coronavirus.

Lunes ay nagbaba ng memo si Marcial sa lahat ng member teams para iparating ang pananatili ng tigil-ensayo “until further notice.”

March 11 nang ihayag ni Marcial na kanselado ang Philippine Cup habang may banta ng COVID-19.

Makalipas ang dalawang araw, unang naglabas ng kautusan ang PBA Commissioner’s Office na itigil ang practice at workouts sa gyms, unang sinabi ay two weeks.

“In light of the country’s current situation, the Office of the Commissioner is extending all its member teams’ two-week break from practices, scrimmages and other related activities which was supposed to end March 27 – Friday, until further notice,” anang memo.

Nasa ilalim pa rin ng state of calamity ang buong bansa, hindi pa rin inaalis ang enhanced community quarantine na suma-total ay nagsasabing bawal maglalabas kung hindi importante at bawal magkumpulan – bahay lang.

Kaya sa kani-kanilang tahanan lang muna magpapakondisyon ang players.

“We ask your full cooperation and compliance and encourage everyone to stay fit and healthy in the confines and safety of their homes,” saad ng memo. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More