‘Wag mag-panic sa bird flu

By

Pinakalma ng Palasyo ng Malacañang ang publiko hinggil sa pananalasa ng avian influenza o bird flu virus sa probinsya ng Pampanga.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, nakatutok ang mga concerned agencies sa outbreak ng bird flu kaya walang dapat ipangamba na lumala ito at tiniyak na hindi na ito kakalat sa iba pang lugar. 

“We ask our people to remain calm yet vigilant.  Any person living or residing in affected areas or who had been exposed to dead chickens who becomes sick with flu or flu-like illness, such as fever and/or sore throat/cough should immediately report to their local health center or nearest hospital for laboratory test,” wika ni Abella.

Kinumpirma rin ng Palasyo na wala pang naitatalang ‘bird-to-human’ cases ng bird flu dito sa bansa.

Nagtutulong na rin umano ang Department of Health (DOH), Department of Agriculture (DA) at local government units para maapula ang pagkalat ng virus.

Nagpakalat na rin ng flu vaccinations at protective equipment ang DOH para sa poultry handlers at responders na nakatutok sa mga poultries na kontaminado ng bird flu.  

SHARE