Una sa Balita

‘Wag lang tanggalin: ABS-CBN employee payag sa bawas-sweldo

0 514

Kahit may banta sa buhay si Angel Locsin, tuloy pa rin siya sa pagtulong sa kapwa kahit pa gaya ng 11,000 na empleyado ng ABS-CBN, ay maaari rin siyang mawalan ng trabaho.

And speaking of ABS-CBN employees, sey ng mga pinuno ng ABS-CBN unions sa isang interview, mas gugustuhin nilang kaltasan na lang sila ng sweldo o benepisyo kaysa matanggalan sila ng trabaho.

Sabi ni Raul B. Asis, presidente ng ABS-CBN Supervisory Employees’ Union, dalawa raw ang kalaban nila ngayon — ang mawalan ng trabaho at ang COVID-19. Mahihiripan silang magampanan ang responsibilidad nila kung maaalisan sila ng hanapbuhay.

“Sa pagkakaintindi namin, ang gobyerno ay tagabigay ng trabaho, hindi tagaalis. Sabi sa balita 11,000 ang mawawalan ng trabaho. Hindi lang ‘yun 11,000 na tao. Meron akong limang anak at lahat sila nag-aaral pa,” sabi ni Raul, na 26 na taon nang naninilbihan sa network.

Para naman kay Generoso Villanueva Jr., mas importante raw na may regular silang trabaho dahil sa hirap na maghanap ng oportunidad ngayon, lalo para sa mga may edad na. May iba rin daw na empleyadong umaasa sa union panggamot sa may malulubhang sakit, at posible rin itong mawala.

“Ang iba sa amin ay 40 years old na. Wala na ring bakante sa broadcast industry ngayon. Ang ibang broadcast companies nagbabawas na ng mga tao. Kahit makaltasan kami ng sweldo o walang overtime pay, ayos lang,” sabi ni Generoso na 23 years nang Kapamilya employee.

Nakakalungkot naman isipin na sa gitna ng pandemya, may mga tao pang posibleng mawalan ng trabaho. Parang para sa kanila, hindi totoo ang “We heal as one” kung matatanggalan sila ng hanapbuhay. Next week daw uumpisahan na ang pagdinig sa Kongreso tungkol sa franchise ng Dos, at sana marinig ang hinaing ng mga empleyado doon.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More