Una sa Balita

‘Wag kayong sumama sa KMU!

By
0 563

PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sumusukong miyembro ng New People’s Army (NPA) na huwag sumali sa Kilusang Mayo Uno (KMU) dahil bibigyan lang sila ng sakit sa ulo nito.

Sinabi ng Pangulo na gagamitin lamang sila ng KMU para makapag-strike at kapag nagsara ang isang kompanya ay wala na silang magiging trabaho.

Bukod dito, sinabi ng Pangulo na kukuwartahan lang sila ng KMU dahil pagbabayarin sila ng membership fee at saka mangingikil sa mga tindahan.

“Don’t join KMU. They will have a strike and if the business closes down, they leave; you’re left with no jobs. So who made money from that? The KMU leaders. They’ll ask you to pay for membership and then extort from a store,” pahayag ng Pangulo.

Bibigyan anya ang mga sumukong miyembro ng NPA na makapag-aral sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at magkaroon ng trabaho para hindi na bumalik sa kabundukan.

Bukod sa libreng pag-aaral sa TESDA, bibigyan din ng pabahay ang mga nagbalik-loob na rebelde sa ilalim ng administrasyong Duterte.