Una sa Balita

‘Wag babuyin ang Pilipinas’ mensahe ni Solenn sa mga balahurang Pinoy

By
0 2,953

Philippine Independence Day bukas, June 12. Do we still care about Independence Day? Ay, ibahin ninyo ang Fil-French na si Solenn Heussaff dahil sa kanyang blog na sollen.ph, inilabas niyang best time ang 120th Independence Day ng bansa upang ipakita at ipadama ang pagmamahal natin sa Pilipinas. Wag babuyin ang Pilipinas ang mensahe ni Solenn.

“I shared something about this last year, and I don’t think I’m going to stop talking about it until we own up to it. If we’re really proudly Pinoy, we have to start taking care of the Philippines and we need to stop destroying it with trash,” bahagi ng paalala ni Sos.

Nitong nakaraang mga linggo, ang pagpuna sa mga pagtapon ng basura ng mga Pinoy ang tina­lakay ng Kapuso actress. Ibinahagi niya sa blog ang kanyang personal rules pagdating sa pagsasaayos ng mga basura at umaasa siyang maging gabay ito ng balahurang Pinoy para gumawa rin ng sariling pamantayan.

“1. Don’t litter.

“2. Educate litterers.

“3. If you’ve got the no littering thing down, minimize your trash.”

Sa bawat rules niya eh may kaakibat na paliwanag at suggestions si Solenn na madali lang gawin at sundin.

“Don’t forget that for most of us, we only get one home and that’s the Philippines. So let’s treat it exactly like we would in our own homes – with respect and care. Happy Independence Day, everyone,” paalala ng Kapuso actress.

Sinang-ayunan naman ng ilang netizens ang paalala ni Sos sa kanyang blog na nanghikayat ipakita sa buong mundo na ta­yong mga Pinoy ay classy at hindi trashy, huh!

Tila nag-iisa man si Solenn sa mga artistang patuloy na nagpapaalala sa mga pabaya nating kababayan pagdating sa proper waste disposal, harinawang magi­sing din ang ilang mga artista na sundan ang adbokasiya ng Kapuso actress para na rin sa kapakanan nating lahat.