Una sa Balita

‘Wag ako silipin sa GCTA — De Lima

0 341

MARIING kinontra ni Senadora Leila de Lima ang plano ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na imbestigahan siya sa diumano’y pag-abuso sa kontrober­syal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ayon sa dating Justice ­secretary, dapat umanong tumi­gil­ na si PACC Commissioner Manuelito Luna sa pagkaladkad sa kanya at kay dating Interior Secretary Mar Roxas sa kontro­bersiya.

“I say to them: Don’t bother to send me any letter or order requiring me to explain or any other paper of similar import. I might just tear that into pieces”, sabi ng senadora.

Pursigido ang PACC na gumawa ng hiwalay ng imbestigasyon sa implementasyon ng GCTA law sa kabila ng pagbawal sa kanila ng Ombudsman na siyang mga hurisdikisyon sa naturang isyu.

Binigyang-diin ni De Lima na walang huridiksiyon o kapangyarihan ang PACC na imbestigahan siya. (Dindo ­Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy