Una sa Balita

Wade tutok na sa playoffs

By
0 342

NATAPOS na ang final All-Star appearance ni Dwayne Wade bilang player.

Apat na araw sa Charlotte na inubos ng testimonials, celebrations, parang walang katapusang photo ops, tsikahan sa mga royalties ng basketball.

At isang lob kay LeBron James.

Umiskor siya ng 7 sa 178-164 win ng Team LeBron sa Team Giannis ni Giannis Antetokounmpo.

“If you could wake up and say, ‘This is how I would like my perfect day to go, this is how I would like my perfect All-Star weekend to go,’ then this was it for me,” pahayag ni Wade sa The Associa­ted Press.

Sunod na aatupagin ni Wade ang 26 games na natitira sa season ng Heat, tutulungan niyang ihabol sa playoffs ang Miami sa kanyang Last Dance.

Ilang oras pagda­ting sa Charlotte, akala ni Wade ay may dinner lang siya kasama ng pamilya at ilang kaibigan. Pagdating niya sa lugar kasama ang asawang si Gabriel­le Union at bunso nilang babaeng si Kaavia James, nagulat si Wade. Sinorpresa pala siya, dahil ang sinabi sa kanyang “dinner for a few” ay “dinner for a few hundred” pala.
Fillet mignon at sea bass ang handa.

Limang oras na party, may red carpet pa. Pinaupo siya sa isang trono, sa isang eksena ay sabay pang tumagay ng red wine sa dalawan­g baso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy