Una sa Balita

Wade kumikig, Heat tinabla ang 76ers

By
0 1,806

May asim pa si Dwyane Wade.

Nilabas ni Wade ang vintage na larong nagbigay sa kanya ng tatlong NBA championships sa Miami, umiskor ng 28 para ihatid ang Heat sa 113-103 Game 2 win laban sa Phila­delphia at itinabla ang East series sa tig-isang laro.

Tinapos din ng Heat ang 17-game winning run ng 76ers, 16 sa pagtatapos ng regulation at sa series opener.

Abante Hiring – IT dep

Gigil nang makabalik sa laro si Sixers big man Joel Embiid, pero hindi siya isinugal ni coach Brett Brown. Hindi pa lubusang gumagaling ang basag na buto sa kaliwang mata ni Embiid.

Malamang na babaunin ni Embiid ang black mask sa paglipat ng first round series sa Miami para sa Game 3 sa Huwebes at Game 4 sa Sabado.

“Joel is a superstar. Of course we’re missing him offensively, defensively,” pag-amin ni Sixers forward Dario Saric.

Buong gabing inari ni 36-year-old Wade ang palabas, nagsalpak ng 11-of-17 shots.

“It’s just in my DNA,” wika ni Wade. “I love the stage.”

Nagmukhang kakaya­ning habulin ng Philadelphia ang 18th straight win nang dumikit sa 98-96 sa basket ni Ersan Ilyasova sa fourth, pero muling umeksena si Wade.

Umiskor muna si Wade bago ninakawan ng bola si Saric sa kabila na tinapos ng solo-basket niya para muling ilayo ang Heat.

Sa second quarter lang ay naglista ng 15 points si Wade, na-outscore ng dalawa ang buong ­Sixers. Wala siyang sablay sa ­unang pitong tira.

Binulabog ng depensa ng Miami si Sixers rookie point guard Ben Simmons pero naka-24 points pa rin at may 23 si Saric.

Nagdagdag si Goran Dragic ng 20 points, may 18 si James Johnson sa Heat.