Una sa Balita

Wade, Heat sinunog ang Celtics

By
0 346

IGINUHIT ni Dwayne Wade ang 8 sa kanyang 19 points sa third quarter at naligtasan ng Miami Heat ang rally ng Boston Celtics tungo sa 115-99 Huwebes ng gabi.

Umagwat ng hanggang 26 ang Heat pagkatapos ng break pero nagkasa ng 16-0 run ang Celtics bago umeksena si Wade.

“I’ve been on this train with him for a long time,” wika ni Fil-Am coach Erik Spoelstra. “He has a way of making all of us look a lot better.”

Umiskor ng 18 si Josh Richardson sa Miami na ­naglista ng season highs sa 3-pointers (18) at assists (33). Nagdagdag si Derrick Jones Jr. ng 14 points, may 13 points at career-high 11 assists si Justise Winslow.

Kumana si Kyrie Irving ng game-high 22 points sa 10 for 19 shooting para sa Boston, umiskor ng season-high 135 sa panalo kontra Indiana noong Miyerkoles pero napigil sa below 100 sa unang pagkakataon sapul noong Nov. 17.

Umayuda ng 18 points si Marcus Smart, may tig-17 sina Jayson Tatum at Marcus Morris.

Nagmukhang madali nang ikakampay ng Miami ang panalo nang lumayo 72-46, pero humarabas ng 16 unanswered points ang Celtics, anim rito mula kay Tatum. Nagbaon ng 3-pointer si Wade para pigilin ang run, at umiskor ng 8 points sa final 3:47 ng third tungo sa 83-72 Heat advantage papasok ng final 12 mi­nutes.

Dalawang sunod na 3s din ang pinakawalan ni Tyler Johnson sa loob ng 67 se­conds sa kaagahan ng fourth, at muling lumayo ang Miami 95-76.