Una sa Balita

Wade binastos si James, Cavs

By
0 4,769

Dalawang beses binutata ni Dwyane Wade si LeBron James, umiskor si Kelly Olynyk ng 19 points, at inambus ng Miami Heat ang Cleveland Cavaliers 98-79 Martes ng gabi.

Tumapos si Wade na may four blocks, dalawa rito nang blangkahin ang kaibigang si James mula sa likod. Pagkatapos ng laro, nagtawanan lang ang dalawa.

“That’s one thing about us - we don’t brag about what we do against each other,” bigkas ni James.

May tig-15 points sina Josh Richardson at James Johnson sa Heat, umayuda ng 12 si Wade laban sa team na pinanggalingan sa kaagahan ng season bago bumalik ng Miami.

Nasa unahan ang Heat 54-34 sa halftime, mula roon ay hindi na pinaporma ang mga dayo.

Naigapos ng Heat ang Cavaliers sa season-low point total. Nalimitahan si James ng 18 points.

Nawala sa Cavs sa second half si Kevin Love na nasiko sa mukha ni Heat center Jordan Mickey 1:22 lang sa laro. Unang sinabi na natanggalan ng ngipin si Love, pero bandang huli ay i-e-evaluate na ito sa concussion-like symptoms.

Nilista ni James ang 865th consecutive regular-season game na nakakaiskor ng 10 points o higit pa, kulang pa ng isa para pantayan si Michael Jordan na may hawak ng record ng longest streak sa NBA. Posibleng tablahan ni James ang record sa Miyerkoles kontra Charlotte, ang team na pagmamay-ari ni Jordan.

Hindi pa nananalo si James sa apat na la­rong pagdayo sa Miami sapul nang iwan ang Heat para bumalik sa Cleveland pagkatapos ng 2014 Finals.

Walang palya si LeBron sa lahat ng 74 laro ng Cavs ngayong season, napantayan na ang total game niya noong nakaraan.

Bago ang laro ay nag-a-average ang Cavs ng 31 points bawat quarter sa huling limang salang, pero nagkasya lang sa 34 sa first half kontra Heat.

Balik na sa Miami si Fil-Am coach Erik Spoelstra dalawang araw matapos ipanganak ng asawang si Nikki ang panganay nilang si Santiago Ray Spoelstra.