Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘W15 Manacor’ tourney: Eala swak sa quarters

0 145

Tagumpay na naibagahe ni Pinay tennis sensation Alex Eala ang panalo sa second round ng ‘W15 Manacor’ tournament sa bansang Spain nitong Biyernes (Manila time).

Tinaob ng 15-year-old Rafael Nadal Academy scholar sa torneo, may premyong $15,000, si No. 1 seed Australian Seone Mendez sa iskor na 6-4, 6-1.

Nitong opening round kamakailan, tinambakan ni Eala si Italian Anna Paradisi 6-1, 6-2 na kanyang RFA partner.

Dahil sa pagkapanalo, abante sa quarterfinals ng torneo si Eala at makakatapat si French Carole Monnet.

Ito rin ang unang quarterfinals ni Eala sa anumang professional tournament.

Nagpaabot naman ng pagbati ang RFA via Instagram sa tagumpay ng Pinay netter, “no place like Home! For the first time in her career, 15-year-old @alex.eala reaches the quarterfinals of an ITF tournament! Great victory 6-4, 6-1 against the number 1 seeded Seone Mendez. Let’s keep dreaming at the @ITFTennis by LG tournament at the #RafaNadalAcademy by Movistar! VAMOS!! MABUHAY!!”

Sa kasalukuyan, pang-No.3 si Eala sa ITF World Juniors Rankings kasunod nina No.1 Elsa Jacquemot ng France at No.2 Victoria Jimenez Kasintseva ng Andorra. (JAToralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.