Una sa Balita

VP Robredo tutol sa appointment ng Barangay off’ls

By
0 2

Suportado ni Vice President Leni Robredo ang panukalang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, subalit tutol ito sa mungkahing mag-appoint ng mga barangay officials.

Sa interview kay Robredo sa Naga City, sinabi nito na mas gusto niyang magpatuloy na lamang sa pwesto ang mga barangay officials na nakaupo ngayon.

“Ako, sang-ayon ako na ma-postpone iyong barangay elections para makapaghanda iyong ating Comelec. Ang hindi ako sang-ayon, iyong appointment, kasi iyong appointment, baka— Nakita na natin, nangyari ito in the past, baka mangyari palakasan,” ani Robredo.

Dalawang panukalang batas ang nakahain sa Kamara para sa postponement ng Barangay elections sa Oktubre 2017, subalit hindi pa ito ini-endorso sa House committee on suffrage and electoral reforms.

Isa sa mga nilalaman ng nasabing panukala ay bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-appoint ng mga barangay official hanggang magkaroon muli ng halalan sa 2020.

“Kaya kung ipo-postpone, i-postpone. I-extend na lang iyong term, pero desisyunan na kung kailan iyong barangay elections, para once and for all madesisyunan ito. Pero iyong appointments, hindi ako sang-ayon,” komento ni Robredo