Una sa Balita

VP Robredo pinalakas ang loob ni Trillanes

By
0 1,080

TINIYAK ni Vice President Leni Robredo na mas pinatatatag ng mga kontrobersiya kay Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV ang hanay ng oposisyon.

“‘Yung nangyayari kay Senator Trillanes, lalo niya pang niu-unify ang oposisyon, lalo pang binibigyan ng dahilan para lalong magkaisa,” saad ni Robredo.

Si Robredo ay bumisita kahapon kay Trillanes matapos ang kanyang courtesy call kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III makaraan ang pagdalo nito sa education summit sa PICC.

“Dahil malapit na rin, gusto ko na rin makausap si Senator Trillanes para maabutan ng suporta,” pahayag pa ni Robredo.

Sinabi ng Pangalawang Pangulo na sadyang nakakabahala na ang mga nangyayari hindi lamang para kay Trillanes kundi sa iba pang pumupuna sa mga polisiya o desisyon ng pamahalaan.

“Ang nakakabahala rito hindi lang para kay Sen. Trillanes pero sa lahat sa atin na merong pagpuna, merong hindi sinasang-ayunan na polisiya o desisyon ng pamahalaan,” diin ni Robredo.