Una sa Balita

VP Robredo kasado sa lockdown extension

0 553

Susuportahan ni Vice-President Leni Robredo ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine subalit kailangang bilisan din ang pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong pamilya.

Ayon kay Robredo, kailangang maunawaan ng publiko na kailangan ang extension ng lockdown.

“Sang-ayon ako dahil ‘yung nakikita nating projections, makakabuti para i-flatten yung curve kung hahabaan pa ito. Pero crucial para mag-cooperate ang mga tao, crucial na naiintindihan nila kung bakit kailangang gawin,” paliwanag niya sa isang programa ng ANC.

Upang mapabilis ang distribusyon ng social amelioration program, sinabi ni Robredo na kailangang ipadaan ito sa mga local government unit.

“Maglagay na lang ng maraming safety nets para naiiwasan yung kinatatakutang korupsyon. Para sa’kin, yung transparency and accountability measures, i-enhance pero dapat itiwala sa local government units kasi ang vital dito, may mga kababayan tayo na nangangailangan, na may kakainan sila araw-araw,” paliwanag ni Robredo.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinaubaya niya sa DSWD ang pamamahagi ng cash aid sa 18 milyong mahihirap na pamilya sa bansa dahil ayaw niyang mahawakan ng mga politiko ang P200 bilyon na ipapamahagi ng gobyerno. (Riz Dominguez)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More