VP Robredo, hindi iiwan ng LP

By

Hindi aabandonahin ng mga miyembro ng Liberal Party (LP) ang kanilang interim chairperson o pinakamataas na lider ng partido na si Vice President Leni Robredo.

Ito ang iginiit ni Marikina Rep. Miro Quimbo, vice president ng LP sa pakikipagpulog nila kay Robredo kahapon kasama ang mga kasapi ng partido sa Kamara.

“We likewise reiterated our strongest commitment of support to the Vice President, our party leader,” ani Quimbo.

Pinag-usapan din umano sa pulong ng LP ang mga mahahalagang party matters at pagpapalakas sa programa at adbokasiya ng partido.

“Like with most of our past meetings, a number of administrative-party matters were discussed including payment of party dues and proposed schedules for the second half of the year,”  wika ni Quimbo.

Sinabi ng mambabatas na nauunawaan nila ang pinagdadaanan ngayon ni Robredo dahil sa agresibong paghahabol ni dating Senador Bongbong Marcos sa puwesto ng Pangalawang Pangulo.

Ayon kay Quimbo, 100% ang suporta ng mga LP members kay Robredo at hindi nila ito iiwan sa laban.

SHARE