Una sa Balita

VP Leni walang accomplishment bilang drug czar — Aquino

0 435

WALANG naging accomplishment si Vice-President Leni Robredo sa pagbaba ng bilang ng mga nasasangkot sa iligal na droga sa mahigit dalawang linggo nitong pagiging drug czar at co-chairman ng Inter-Agency Commitee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.

Ito ang inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino kung law enforcement ang pag-uusapan.

Ayon kay Aquino, hindi naman nag-supervise ang pangalawang Pangulo sa mga tao sa field kaya walang pagbabago sa anti-drug campaign sa buong panahon na nasa ICAD ito.

“In terms of law enforcement, I guess none. Kasi hindi naman talaga na-involved ang ating Vice President in terms of law enforcement. She did not in any way supervise our people down there in the fields. So, I guess, wala namang nabago o wala namang dapat glaring issues na makikita natin na talagang sabihin natin bumaba ba ang krimen o bumaba ba ang accomplishment natin sa illegal drugs or not,” ani Aquino.

Mismo aniyang si VP Leni ay hindi alam kung ano talaga ang gagawin sa ICAD kaya ito sumulat sa Malacañang.

Sinabi ng PDEA Chief na mayroon talagang missteps na nagawa ang Bise-Presidente sa buong panahon ng kanyang pagiging drug czar dahil sa halip na magpokus sa ICAD at kausapin ang mga cluster nito ay mas inuna pa ang pakikipagpulong sa mga organisasyon at grupong wala namang direktang kinalaman sa drug war sa bansa.

Matatandaang isa sa ikinainis ni Pangulong Duterte sa Pangalawang Pangulo kaya agad binawi ang ibinigay na appointment sa kanya ay ang pakikipag-usap umano nito kung kani-kanino sa halip na tutukan ang trabahong ibinbigay sa kanya para malutas ang problema sa iligal na droga sa bansa. (Aileen Taliping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More