Una sa Balita

VP Leni wala pang imbitasyon sa cabinet meeting

0 328

WALANG pangangailangang dumalo si Vice Pre­sidet Leni Robredo sa cabinet meeting sa Malacañang kung hindi rin lang kasama sa agenda o pag-uusapan ang isyu ng iligal na droga.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap ng kuwestiyon kung padadaluhin ba o hindi ang Bise Presidente sa kanyang kapasidad bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) sa susunod na cabinet meeting sa Disyembre.

“Its optional for us to attend because if its not your topic there you’ll have to stay the for the rest of the meeting until the wee hours of the mor­ning. Kung hindi ka naman kasama doon sa agenda, mas masaya siguro kung hindi ka na a-attend. That’s why I said, you should be thankful pupunta ka lang kung topic mo,” ani Panelo.

Sa ngayon ani Panelo ay wala pang imbitasyon ang Malacañang kay Vice President Robredo.

Kinumpirma rin ni dating special assistant to the President at ngayo’y Senador Christopher ‘Bong’ Go na wala pang imbitasyon kay Robredo na dumalo sa susunod na Cabinet meeting.

“Hindi pa sila nag-usap ng Pangulo at sa gabinete, wala pa akong naririnig. I’m not authorized to speak on behalf of the executive pero sa pagkakaalam ko, wala pang plano (na imbitahan siya). Maybe kapag pag-uusapan na ang droga,” pahayag ni Go. (Aileen Taliping/Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy