Una sa Balita

VP Leni suportado ang batas kontra maagang kampanya

By
0 181

SUPORTADO ni Vice President Leni Robredo ang panawagan ng Commission on Election (Comelec) na ibalik ang batas laban sa maagang pangangampanya o premature campaig­ning.

Naniniwala si Robredo na sa pamamagitan nito ay magiging mas patas na ang labanan sa mga tatakbo sa halalan.

“Ang pagpigil muli sa maagang panga­ngampanya ay kaila­ngan para maging mas patas ang pagtakbo,” ani Robredo.

Abante Hiring – IT dep

Ayon pa kay Rob­redo, sa maagang pa­ngangampanya, naging magastos ang pagtakbo bukod sa nakakalamang ang mga kandidatong kayang gumastos nang malaki para sa kampanya lalo na’t hindi nababantayan ng Comelec ang gastos bago magsimula ang opisyal na kampanya, 90-araw bago ang eleksiyon.

Dahil dito, panawagan ni Robredo sa Kongreso na dinggin ang panawagan ng Co­melec, at muling ibalik ang batas laban sa maagang pangangampanya.