Una sa Balita

VP Leni sapul ng NBA Finals fever

By
0 2

Hindi lang ang mga ordinaryong Filipino ang tutok ngayon sa champion­ship game sa pagitan ng defending champion Golden State Warriors at ang nakaraang losing finalist na Cleveland Cavaliers dahil kahit na ang susunod na ikalawang pinakamataas na pinuno ng bansa, nahawa na rin sa NBA champion­ship fever.

Base sa litratong ipinoste ni Vice President-elect Leni Robredo sa kanyang Facebook account at ikinalat sa Twitter account ng kanyang mga anak, nakasuot ng royal blue T-shirt ng Warriors si VP Robredo habang katabi ang tatlong anak na sina Aika, Tricia at Jillian na nakasuot ng golden yellow T-shirt ng nasabing koponan.

Ang suot na T-shirt ni VP Robredo ay may numero 30 at tatak na “CURRY”, ang pangalan ng star player ng Warriors at two-time MVP na si Steph Curry.

Abante Hiring – IT dep

Nagpakuha silang apat habang nakaupo sa hagdan ng kanilang bahay nitong Huwebes ng hatinggabi bago ang Game 1 ng Warriors at Cavaliers sa Amerika.

“You know you live in a basketball-crazy household when your kids make you wear a Golden State Shirt at 12 midnight in anticipation of Game 1 Finals later today. Buhay na buhay ang espirito ni Jesse sa aming mga anak,” ayon sa post ni Robredo sa kanyang FB.

Nagwagi ang Warriors sa Game 1 nang tambakan ang Cavaliers sa 4th quarter sa likod ng produksyon ng bench ng Golden State.