Una sa Balita

VP Leni sa Martial Law anniversary: Binabaluktot na nila ang katotohanan

0 457

Umapela si Vice President Leni Robredo sa mamamayang Pilipino na huwag hayaan na muling pamunuan ng isang diktador ang bansa kasabay ng ika-47 anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law ng rehimeng Marcos noong Setyembre 21, 1972.

Ayon kay Robredo dapat tandaan ng mga Pinoy na walang pinuno ang mas makapangyarihan sa kanyang sambayanang pinagsisilbihan.

“Higit sa pag-alala, ang araw na ito ay isang panawagan sa ating lahat na maging­ kasangkapan ng katotohanan at katarungan. Isang panawagan na.

gampanan ang ating iisang tungkulin na siguruhing walang lugar ang kahit sinong diktador sa isang ba­yang malaya,” pahayag ni Robredo.

Aniya, hindi na dapat maulit na may 70,000 Pinoy ang nakulong, 30,000 ang na-torture, at 3,000 ang nasawi.

Pinuna pa ni ­Robredo na makalipas ang apat na dekada ay nakabalik na sa kapangyarihan ang mga nasa likod ng mga pang-aabuso at pilit na binabaliktad ang katotohanan.

“Pinipilit nilang ba­luktotin ang katotohanan nang walang kahit anong bahid ng hiya at pagsisisi, para sa pansarili nilang kapa­kanan,” ani Robredo. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy