Una sa Balita

VP Leni pinalagan ang fake news sa recount

By
0 1,010

Pikon at hindi na masikmura ni Vice President Leni Robredo ang walang tigil na pagpapakalat ng fake news o maling impormas­yon partikular sa usaping may kinalaman sa election protest laban sa kanya ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Kaya naman tiniyak ni Robredo na hindi na niya palalampasin ito at kailangan na niyang labanan at putulin ang nagpapa­kalat ng mga kasinungali­ngan laban sa kanya.

Partikular na tinukoy ni Robredo ang report na sinasabing nabawasan na umano siya ng 21,000 boto na isang malaking kasinungalingan.

Abante Hiring – IT dep

“Hindi iyon totoo. Ito, pangalawa na itong beses, iyong una hindi ko na-call out iyong attention. Iyong una, two weeks ago sinabi na may 5,000 votes nang nawala. Obviously propaganda siya. Siguro iyong dahilan, para ikondisyon iyong isip ng publiko,” ayon kay Robredo.

Nagpasaring pa ito na, “Pero tanong ko lang: Kung kine-claim mong panalo ka, bakit kailangan mong gumawa ng fake news, ‘di ba? Kasi wala namang ganoong panga­ngailangan kung tingin mong mananalo ka.”

Ayon kay Robredo, hinayaan niyang manahimik at hindi patulan ang nagpapakalat ng kasinungalingan ngunit napag-isip-isip niyang ito’y mali at kailangan niyang ituwid dahil marami na ang nalilinlang.