Una sa Balita

VP Leni, Otso Diretso umapela ng pagkakaisa

By
0 453

KASABAY ng paggunita sa ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, nanawagan si Vice President Leni Robredo na panatilihing buhay ang diwa nito sa kabila ng magkakaibang paniniwala ng mga Pilipino.

Binigyang-diin ni VP Leni na ang selebrasyong ito ay hindi lamang para sa mga “dilawan.”

“Iyong EDSA, pagpapaalala na hindi ito defined by isang kulay, hindi siya defined by any group, hindi siya defined by politika. Kasi nangyari lang naman ang EDSA dahil nagkaisa iyong mga Pilipino,” bahagi ng pahayag ni VP Leni.
Pinangunahan ni VP Leni ang simpleng pag-alala sa 1986 People Power Revolution, na nagpatalsik sa diktador na Ferdinand Marcos, sa Naga City nitong Sabado.

Dumalo naman ang mga kandidato ng Otso Diretso, kasama ang dating Pangulong Noynoy Aquino, sa kasabay na pagdiriwang sa People Power Monument sa Quezon City.

Kasama sa mga nagpahayag ng pakikiisa sa okasyon sina Senator Bam Aquino, Atty. Chel Diokno, at dating Congressman Erin Tañada – na nagmula sa mga pamilyang naging mariing kritiko ng diktaduryang Marcos.

Dumalo din ang kanilang mga ka-Otso Diretso na sina Congressman Gary Alejano, dating ARMM assemblywoman Samira Gutoc, at dating Solicitor General Pilo Hilbay sa komemorasyon.

Kabilang din sa Otso Diretso slate ang dating senador na si Mar Roxas at election lawyer na si Romulo Macalintal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy