Una sa Balita

VP Leni nabahala sa pagmamatigas ng Pangulo

By
0 7

Hindi maitago ni Vice President Leni Robredo sa tila pagmamatigas ni Pangulong Rodrigo Duterte oras na ipag-utos ng Korte Suprema at Kongreso na bawiin ang Proclamation 216 na nagsailalim sa Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Robredo, lahat ng mga public servant, mula Pangulo hanggang sa pinakamababang posisyon sa gobyerno ay nanumpa na susunod at ididepensa ang Salitang Batas.

Iginiit din ng Pangalawang Pangulo na tiniyak ng mga gumawa sa 1987 Constitution na solid ang kapangyarihan ng Lehislatura at Hudikatura sa usapin ng batas militar dahil sa madilim na karanasan ng mga Filipino sa martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1972.

Abante Hiring – IT dep

“Our Constitution was crafted precisely to prevent the abuse of power. Our trust and support for the institutions that safeguard our Constitution is the only assurance we have that genuine democracy will be sustained and that the rights of every Filipino will be upheld,” paglalahad ni Robredo.

Sa kabila ng pagkabahala, umaasa pa rin si Robredo na mananaig ang tamang desisyon ng Pangulo at hindi mababalahura ang Saligang Batas tungo sa kabutihan ng sambayanang Filipino.

“We urge the President: take back what he said about disregarding Congress and the Supreme Court and be an example to all public servants that in the face of whatever crisis in our nation, we will all remain faithful to our Constitution and our democracy,” wika ni Robredo.