Una sa Balita

VP Leni kay Sabio: May pakana sa ICC complaint vs Duterte pangalanan mo!

0 636

NANINDIGAN si Vice President Leni Robredo na walang kinalaman ang Liberal Party (LP) sa reklamo laban kay Pangu­long Rodrigo Duterte sa International­ Criminal Court (ICC).

Ang pahayag ay ginawa ni Robredo kasabay ng paghamon kay Atty. Jude Sabio na pangalanan ang sinasabi nitong mga LP member na nasa likod ng pagsasampa ng reklamo sa drug war sa ICC.

Matatandaan na iniurong ni Sabio ang reklamo nito sa ICC dahil ayaw niyang maging bahagi ng political propaganda­ ni dating Senator Antonio Trillanes, Senator Leila de Lima at ibang LP member.

“Kailangang pangalanan. Kasi kapag hindi niya papanga­lanan, nadadamay iyong mga wala namang kaalam-alam,” giit ni Robredo.

“Ako, gusto ko siyang tanungin kung sino sa LP (ang kausap niya), kasi parang pinapalabas niya na LP iyong behind sa pag-file sa ICC. Iyon, complete lie. Wala namang hand ang partido sa pag-file. Hindi ko nga kilala si Sabio, kung sino siya. Hindi ko siya nakausap. Hindi ko alam kung sino iyong mini-mean niya sa LP na kausap niya,” dagdag pa nito.

Hindi naman nagta­taka si Robredo sa mga akusasyon ni Sabio lalo at kaalyado nito si Atty. Larry Gadon na supporter­ ng administrasyon.

“Noong nakita ko iyong headline na ang bine-blame LP, alam ko na may consideration iyong pag-withdraw, kasi hindi totoong kasali iyong LP, eh, lalo pa kasi si Atty. Gadon­ iyong kasama. Si Atty. Gadon din iyong kasama noong nag-file ng sedition case sa akin, na 100% kasinungalingan,” giit pa ni VP Leni. (Tina ­Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More