Una sa Balita

VP Leni ‘good’ pa rin pero…

By
0 1

“Good” pa rin pero bumaba ang trust rating ni Vice President Leni Robredo batay sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey.

Batay sa survey na naunang nalathala sa Business World nitong Huwebes, Mayo 11, ngayong taon ay nasa 55% ng mga Pinoy ang “much trust” kay Robredo habang 25% ang “little trust”.

Tinatayang 20% ng respondents ang nagsabing sila ay “undecided”.

Bunsod nito pumalo sa +30 ang trust rating ni VP Leni na kinaklasipika pa rin na “good” ng polling firm. Mas mababa ito nang 15 puntos sa December rating.