Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

VP Leni binalewala: Jasmine damay sa ‘panlalait’ kay Jeff Ortega

0 208

Dahil kilalang boyfriend ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith ang Department of Tourism-Ilocos Region si Jeff Ortega, halos karamihan ng tweet dito ay tina-tag si Jasmine ng mga netizen.

Sa isang event ng tourism kasi kunsaan, present ang dating Senator na si Bongbong Marcos, ipinakilala ito ni Jeff bilang former Senator and Vice President BongBong Marcos.

May video na ini-upload at kumakalat sa social media kaya may “resibo” ang naging action ng boyfriend ni Jasmine.

Negatibo ang halos karamihan ng comments sa ginawang ito ng boyfriend ng actress. Bukod sa kawalan daw ng respeto sa tunay na Vice President ng bansa na si Leni Robredo.

Isa sa comment na nabasa namin mula sa netizen, “Is there any law that this guy violated? Hope they give this guy a big lesson. Disrespectful and UNPROFESSIONAL.”

Gayundin ang mga comments na pinag-iisip ng netizens si Jasmine tungkol sa boyfriend, huh! May ibang nagta-tag din sa kapatid ni Jasmine na si Anne Curtis at kung alam daw ba ni Anne ha.

Walang duda na isang Marcos loyalist si Jeff at maaaring ang clan na mula sa La Union. Mukhang hindi maiiwasan na mababahiran ng negatibong impression na ang netizens sa boyfriend ni Jasmine dahil sa pangyayaring ito. Pero sa personal naming palagay, wala rin masama kung maglalabas siya ng public apology lalo na kay V.P. Leni na siyang nakaupo at elected Vice President naman talaga ng bansa.

Sa ngayon, naka-private na ang Instagram account nito dahil sa diumano’y maraming pamba-bash na natatanggap. (Rose Garcia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.