Una sa Balita

Voters’ registration simula na sa Hulyo 2

By
0 615

MULING bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) bukas, Lunes, Hulyo 2, 2018, ang voters’ re­gistration sa bansa, para sa nalalapit na May 13, 2019 national and local elections (NLE).

Sanhi nito, hinimok ni Comelec Spokesperson James Jimenez ang mga botante na samantalahin ang pagkakataon para makapagparehistro upang matiyak na makakaboto sila sa nalalapit na eleksiyon.

Nabatid na bukod sa registration ng mga bagong botante, maaari ring magtu­ngo sa mga city, district o municipal office ng poll body sa buong bansa, ang mga nais na mag-aplay para sa transfer at transfer with reactivation ng record, reactivation ng record, change o correction ng information, inclusion o reinstatement ng record sa voters’ list, mula alas-otso nang umaga hanggang alas-singko nang hapon, mula Lunes hanggang Sabado.

Sinabi ni Jimenez na bukas din ang kanilang mga tanggapan kahit pa araw ng holiday.

Kaugnay nito, nilinaw ni Jimenez na hindi kasama sa magbubukas ng registration ang Marawi City na kasalukuyan pang sumasailalim sa rehabilitasyon dahil sa naganap na giyera doon noong nakaraang taon.

Nalaman na magtatagal lamang ang voters’ registration hanggang sa Setyembre 29, 2018.

Habang hanggang Setyembre 30, 2018 pa maaaring makapagparehistro ang mga overseas voters’.

Idinagdag pa ni Jimenez, iba-iba ang schedule ng registration sa bawat bansa kaya ang mga nais makapagparehistro para sa overseas absentee voting (OAV) ay dapat munang kumonsulta sa embassy o consulate na nakakasakop sa kanila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More